Magpapatupad ng road closures at traffic rerouting ang pamunuan ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), upang maiwasan ang pagsisikip ng trapiko sa Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, ngayong Undas.

Sa traffic advisory ng MDTEU, simula 10:00 ng gabit nitong Miyerkules ay sarado na ang Aurora Boulevard mula sa Dimasalang hanggang Rizal Avenue; Dimasalang mula Makiling hanggang Blumentritt; P. Guevarra mula Cavite hanggang Pampanga; Blumentritt mula A. Bonifacio hanggang P. Guevarra; Retiro mula Dimasalang hanggang Blumentritt Extension; at Leonor Rivera mula Cavite hanggang Aurora Boulevard.

Magsisilbi namang parking areas ang Craig, Sulu, Simon, Oroquita, F. Huertas, at Metrica Streets.

Para naman sa mga pampasaherong jeep, pinapayuhan ng MDTEU ang mga manggagaling sa Rizal Avenue/ Blumentritt na dumaan sa Cavite, kanan sa L. Rivera o Isagani, at kanan sa Antipolo, habang ang mga galing sa Amoranto, Quezon City ay pinakakanan sa Cavite at kanan uli sa Bonifacio.

Romualdez, nanawagan sa Kamara: 'Let us reject baseless accusations!'

Ang mga jeep naman na galing sa Dimasalang ay dapat kumanan sa Makiling at kanan sa Maceda.

Samantala, ang mga sasakyan na patungong La Loma at Chinese Cemeteries ay magkakaroon din ng rerouting: Ang mga galing sa España ay pinadadaan sa AH Lacson, Tayuman, Blumentritt mula Cavite hanggang Aurora Blvd., at maaari ring dumaan sa Rizal Avenue o sa Jose Abad Santos.

Ang mga manggagaling naman sa Quiapo, Sta. Cruz, at Caloocan City ay maaaring dumaan sa Jose Abad Santos o Rizal Avenue Extension.

Ang pagsasara ng mga kalsada at traffic rerouting ay ipatutupad hanggang sa Linggo, Nobyembre 4.

-Mary Ann Santiago