TRADISYON na sa pamilyang Pinoy ang gunitain ang mga namayapang mahal sa buhay. Hindi alintana ang malayong biyahe sa mga lalawigan maipadama lamang ang kanilang pagmamahal.

Ngunit, mas magiging makabuluhan ang araw ng Undas kung ligtas sa mahabang biyahe ang mga motorista at ang katiyakan ay makukuha sa maayos at kondisyon ng makina sa mga sasakyan.

Sa araw ng ‘Undas’, inilunsad ng Prestone – nangungunang produkto sa coolants, brake fluid at motor oils – ang pakikiisa sa ‘Safe Trip Mo, Sagot Ko” project ng NLEX Corporation kung saan naghihintay ang public assistance para sa mga motorista na tatahak sa North Luzon Expressway (NLEX), Subic Clark Tarlac Expressway (SCTEX) at Manila-Cavite Expressway (CAVITEX).

May ‘booth’ na ilalagay ang Prestone sa naturang gas station. Para sa mabilis na paghingi ng tulong sakaling magkaberay ang sasakyan sa gitna ng kalsada at highway, agad na ipagbigay-alam sa NLEX hotlines (02) 3-5000 at (02) 580-8910; Twitter @ NLEXtraffic; SCTEX hotlines (0920) 96-SCTEX (72839) (traffic hotlone) o )045) 459-0522; CAVITEX hotlines (02) 825-400 at 0942-822-8489.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Simula ngayon hanggang Nobyembre 4, may nakaantabay na Prestone mechanic sa SMSK motorists camps sa SCTEX Floridablanca Lay-by (Subic bound) at Cavitex Paranaque toll plaza at Kawit toll plaza.

P a r a s a k a r a g d a g a n g impormasyon hingil sa ‘Safe Trip Mo, Sagot Ko’, bisitahina ng www. prestone.com.ph.