AKMA at napapanahon ang serbisyong hatid ng HYPE Transport Systems – ang pinakabagong transport network companies (TNC) para sa sambayanan – matapos ang pormal na paglulunsad kamakailan sa SMX Convention Center sa MOA Complex, Pasay City.

PINANGUNAHAN ng aktor na si Piolo Pascual ang (from left to right) Nic Escalante (HYPE President), Piolo Pascual, Jennifer Silan (HYPE COO)

PINANGUNAHAN ng aktor na si Piolo Pascual ang (from left to right) Nic Escalante (HYPE President), Piolo Pascual, Jennifer Silan (HYPE COO)

Dumagsa ang mga drivers, operators at riding public sa isinagawang grand launching na tinampukan ng iba’t ibang aktibidad na tinampukan ng raffle draw para sa bagong Totoyo Vios.

Nakiisa rin at nagbiogay ng kanyang suporta si actor at HYPE ambassador Piolo Pascual.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“When we first envisioned HYPE, we had a vision to provide the Filipino riding public a viable choice. We wanted the Filipinos to have the power to choose the most affordable, the safest, the most convenient, and with the most number of transport options possible,” pahayag ni Mr. Nicanor Escalante, HYPE Transport Systems, Inc. President.

“We are proud to say that as the Filipino riding public has begun to support HYPE, more and more of our drivers --- both TNVS and taxi cabs; will continue to enjoy more and more earnings by using the app, and will most definitely enjoy more surprises from us and our partners,” aniya.

Sa nalalapit na pagalala ng Undas at ang pagdiriwang ng Kapaskuhan, asahan ang pagdagsa ng mga mananakay pauwi at parito, gayundin ang mga shoppers sa mga pangunahing Mall sa bansa. Sa presensya ng HYPE, hindi na kailangan pa ang makipagbahulan sa mga FX at makipagtawaran sa mga Taxi drivers.

I p i n a h a y a g di n ni Escalante na bilang pagbibigay kahalagahan sa mga drivers, inilahad ang promo-incentive na aabot sa P1 milyon para sa mga drivers na makapagtatala ng pinakamaraming biyahe.

Sinabi naman ni Miss Jennifer Silan, HYPE Chief Operating Officer, may nakalaan ding promo-incentive schemes para sa riding public.

Itinaguyod ang event ng SMART, PLDT, Phoenix Petroleum, Rapide, Hunters, Huawei, Connext Marketing (BAJAJ), Toyota Lipa, Manila Broadcasting Corporation, at Star City.

Umaapaw ang kasiyahan bunod na rin ng presensya nina internet sensation Ashley Rivera, nagsilbing host sa programa, commercial model Andrea Torres ng GMA 7; habang nagbigayng awit at tugtugin ang Ransom Collective band at DJ Patty Tiu.

Pa r a s a k a r agda g ang impormasyon, hingil sa HYPE Transport Systems, Inc. bisitahin ang www.hypetransport.com; at Facebook page www.facebook.com/ HYPE.