Hindi nasaksihan ni Pangulong Duterte ang groundbreaking ng Marawi City reconstruction, nitong Lunes.

Ito ang kinumpirma kahapon ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, Jr., matapos na hindi dumating ang Pangulo dahil may inasikasong mahalagang usapin.

“President Rodrigo Roa Duterte would personally like to join our countrymen and witness this historic occasion but he has to attend to equally important issues and affairs of the nation,” ani Panelo.

Matatandaang ilang beses nang naunsyami ang nasabing groundbreaking dahil sa pagnanais ng mga taga-Marawi na pangunahan ng Pangulo ang naturang aktibidad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Beth Camia