GABI-GABING tinututukan ng Kapuso viewers ang MaiLiver love team nina Mikee Quintos bilang Maila at Enrico Cuenca bilang Oliver, sa well-loved GMA primetime series na Onanay.

Enrico at Mikee

Siguradong mas kikiligin ang kanilang fans dahil inamin ng Kapuso actor na mas nagiging malapit na sila ni Mikee sa pagsasama nila sa serye.

Open din si Enrico sakaling mag-bloom pa ang kanilang love team dahil sa mainit na pagtanggap sa kanila ng fans.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, may bago namang kabanggaan si Onay (Jo Berry). Nabunyag na kasi ang lihim na relasyon nina Maila at Oliver matapos sumugod si Imelda (Vaness del Moral) sa bahay nina Onay.

Upang hindi masaktan ang kanyang ina, nakipaghiwalay na si Maila kay Oliver. Naku, posible kayang magkabalikan pa ang MaiLiver sa Onanay series, na sangkatutak ang avid viewers gabi-gabi?

Well, for sure hindi papayag ang fans nina Mikee at Enrico na mabuwag ang love team ng dalawa, kahit man lang sa Onanay lang. Yun na!

-MERCY LEJARDE