PINAUNLAKAN ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang imbitasyon na maging panauhin siya sa general assembly ng Little People for Dwarfism Awareness Month na ginanap sa La Salle Greenhills, nitong Sabado, October 27. Hindi naman maalis ang ngiti ng mga little people at ng pamilya ng mga ito nang tawagin at makita nila si Marian.

Marian copy

Bahagi ng speech ni Marian: “Naniniwala ako na sa dami natin sa mundong ito, may pagkakaiba man tayo sa KULAY, RELIHIYON, HEIGHT, sa huli, tayo ay huhusgahan sa nilalaman ng ating puso. Kung paano tayo makikitungo sa kapwa, at paano natin magagawang mabuti ang mundong ito para sa lahat. Big dreams for Little People!”

Umani ng papuri si Marian at marami ang nagpahayag ng kanilang greeting sa Instagram account ng aktres. Sabi ni @therealkimdomingo, “beautiful inside and out talaga. God bless you more”. Comment ni @shyrvaldez, “ikaw talaga yan. Proud of you! You have such a big heart!”. Singit naman ni @jackielou.blanco, “You are a gem gwapa @marianrivera.” Hindi rin nagpahuli si @dexiejanaerw76 at aniya, “couldn’t agree with you more, you have a big heart @marianrivera. Nag-comment din si Rhei Tan ng Beautederm Corporation: “The real #queen. Beautiful inside and out. You will be blessed a thousand fold. We love u!”

Bea Binene, pinadadalhan ng mensahe matapos ang hiwalayang Bea-Dominic

Hindi lamang ito ang advocacy ni Marian. Advocate rin siya ng breastfeeding and women with special needs, at tuluy-tuloy ang pagtulong niya sa #SmileTrain, na sumusuporta sa operasyon ng mga batang may bingot.

-Nora V. Calderon