PILOT week pa lang ay sinubaybayan na ng mga netizens ang bagong afternoon prime series ng GMA-7 na Asawa Ko, Karibal Ko, at humanga sila sa husay umarte ng mga bidang sina Kris Bernal at Jason Abalos.

Kris at Jason copy

Nagsimula ang story nang nagkakilala sina Rachel (Kris) at Nathan (Jason) na humantong sa pagpapakasal, pero nang nagkaanak na sila ay nag-iba ang pakikitungo ni Nathan kay Rachel.

Hindi maintindihan ni Rachel kung bakit laging galit at hindi siya pinapansin ng asawa, pero mahal na mahal naman nito ang anak nila.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Pero nakilala na nga sa story na isang gay si Nathan, bagamat itinatago niya ito sa asawa. Inuudyukan naman si Rachel ng ilang kakilala na tiyak daw na may ibang babae si Nathan. Lalong tumindi ang hinala ni Rachel nang makakita ng lipstick sa kotse ng asawa.

Sa huli, naisipan ni Nathan na i-fake ang pagkamatay niya nang umalis siya kasama ang anak nila ni Rachel, not knowing na pregnant ang misis sa second baby nila. Ang totoo, pumunta lang si Nathan sa States for a sexual reassignment.

Kumusta naman ang pagganap ni Jason bilang transgender?

“Hindi po naman mahirap. Pinag-aralan ko, nakipag-usap ako sa mga katulad nila, nanood ako ng movies na ganito ang concept,” sagot ni Jason.

“Salamat po sa mga tumulong sa akin, at kay Direk Mark Sicat dela Cruz na gina-guide ako sa mga eksenang hindi ko masyado ma-gets, ganundin sa leading lady ko, si Kris, na very supportive sa akin.”

Natanong namin si Ken Chan na minsan na ring gumanap na transgender sa Destiny Rose. Sabi ni Ken, napanood daw niya minsan si Jason na nakabihis-babae at kahit siya ay humanga sa husay ng acting nito.

Pero special guest lamang si Jason sa Asawa Ko, Karibal Ko, dahil kapag transgender na si Nathan ay makikilala na siya bilang si Catriona, na gagampanan na ito ni Thea Tolentino, bilang si Venus. Saka naman makikilala ni Rachel si Gavin (Rayver Cruz), at mai-in love siya rito, pero darating sa buhay nila si Venus, at doon na magiging magkaribal ang dating mag-asawa, na parehong iibig kay Gavin.

This week na magaganap ang sex reassignment ni Nathan, at makikilala na rin ni Rachel at ng mga televiewers si Gavin. Marami pang mga revelations na magaganap na tiyak na magugustuhan ng mga televiewers.

Mapapanood ang Asawa Ko, Karibal Ko Mondays to Saturdays, after ng Eat Bulaga.

-NORA V. CALDERON