SIMULA nang mapanood ni Jem Cubil ang live concert video ni Blake Shelton at ang bersiyon ni Michael Bublé ng Home ay na-realize niya na musika ang para talaga sa kanya.
Sumali si Jem sa second season ng Pilipinas Got Talent pero hindi siya pinalad na maiuwi ang grand prize. Nag-blind audition din siya para sa The Voice PH noong 2011, at napasama siya sa team ni Lea Salonga.
Hanggang naispatan siya ng Viva Records, at dito na nagsimulang sumipa ang music career ni Jem. Sa soundtrack ng Meet Me in St. Gallen ay ginamit ang kanyang boses, at pagkatapos nito ay nagkasunud-sunod na ang kanyang projects.
Ipinagkatiwala kay Jem ang awiting Perfectly Imperfect Human, na likha ni Barry Villacarillo, na mabenta ngayon sa Spotify. Available rin ito sa iTunes, Apple Music, at sa lahat ng digital music stores.
-REMY UMEREZ