Sugatan ang isang babae makaraang holdapin at saksakin sa Makati City, kahapon ng madaling araw.

Nilalapatan ng lunas sa ospital si Ma. Anne Rachella Ramos, nasa hustong gulang, na nagtamo ng mga saksak sa katawan.

Nadakip naman sa follow-up operation ang suspek na si Reynaldo Dulnuan y Liantero, 27, ng 279 Block 7, Barangay West Rembo, Makati City.

Sa ulat, nadakip ng mga pulis, sa pangunguna ni Inspector Manlubatan, ang suspek sa Sitio 8, Bgy. West Rembo sa nasabing lungsod, dakong 3:30 ng madaling araw.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Una rito, hinoldap at sinaksak ng suspek ang biktima sa kahabaan ng Kalayaan Avenue, Bgy. West Rembo.

Kasama ng biktima ang isa pang babae nang tutukan umano sila ng patalim ng suspek at nagdeklara ng holdap na nauwi sa pananaksak at puwersahang pagtangay sa kanyang bag.

Nakakulong sa Makati City Police ang suspek at nahaharap sa kaukulang kaso.

-Bella Gamotea