MASUSUBOK ang kahandaan ng mga local teams laban sa matitikas na tambalan sa commercial league sa pagpalo ng Beach Volleyball Republic On Tour ngayon sa Lio Beach, El Nido, Palawan.
Sasabak ang mga pambato ng Lio, El Nido at Puerto Princesa ng Palawan, Cebu ng Visayas at DAF-ARMM ng Davao mula sa Mindanao sa 16-team tournament – walong babae at walong lalaki – na nagtatampok sa mayuyuming beach sa bansa.
Magsisimula ang aksyon ganap na 8:00 ng umaga.
Tampok sa women’s class ang tambalan nina Perlas 1’s Charo Soriano at Bea Tan, Perlas 2’s Dzi Gervacio at Roma Doromal, Air Force 1’s Mariel Legaspi at Mae Crisostomo, at Air Force 2’s Coyah Abanto at Jen Acain.
Sina Soriano at Tan, nagwagi sa Puerto Galera leg nitong Enero, ay muling magtatambal sa ikawalo at huling leg ng torneo.
Binubuo naman ang men’s team nina dating UAAP champion KR Guzman at Ian Yee, Air Force’s Philip Nunez at Mike Abria, Army’s Joshua Barrica at Randy Flores, Manila Unicorns’ Neil Flores at Justin Santos, at Wildcard’s Mikhail Shavrak at James Buytrago.
The quarterfinals, semifinals at Finals ay gaganapin sa Linggo kung saan nakataya ang P50,000 premyo.