SA hangarin na maipromote ang chess sa mga kabataan, magiging abala si Asia’s First Grandmaster Eugene Torre sa pagsasagawa ng twenty (20) boards simultaneous chess exhibition sa Sabado na gaganapin sa Development Training Center tapat ng Gumaca Convention Center sa Gumaca, Quezon.
Ayon kay tournament organizer Janglie V. Lita ng Gumaca Chess Club ito ay may temang “Welcome Back, 1975-2018” kung saan unang bumisita si Torre sa nasabing lugar noong 1975.
Ang torneong ito ay sinuportahan ng LGU Gumaca mula sa initiative nina Mayor Erwin P. Caralian, Vice Mayor Elchor P. Caralian at ng Sanguniang Bayan ng Gumaca.
Sa darating na Linggo naman siya ang guest speaker sa formal opening ng 2000 and below Chess Circle Tatlohan sa Oktubre 28, 2018 na gaganapin sa third floor food court, Alphaland Southgate Mall Edsa corner Chino Roces Avenue sa Makati City.
Makakasama ni Torre na magsasagawa ng ceremonial moves ay si Original Pilipino Music icon Heber Bartolome.
Ayon kay tournament director Leonardo Jimenez ang 2000 and below Chess Circle Tatlohan chess competition ay isang team event, kung saan sa isang koponan ay kinakailangan mag field ng tatlong manlalaro.
Ang Registration Fee ay P2,500 habang ang early registration fee ay P2,300 (P200 discount) hanggang Oktubre 26, 2018.
Puwede madeposit ang payment sa Bank Account : Leonardo Jimenez, BPI 4466214371 o mag call o mag text sa kanya sa Globe Number: 09171787870 para sa dagdag detalye.