ILANG buwan na ang nakalilipas simula nang ipanawagan ni Pangulong Duterte ang ikatlong telecommunication company upang mapaunlad ang Internet service sa bansa. Ayon kay Secretary Eliseo Rio, Jr., ng Department of Information and Communication Technology (DICT), dapat mapili at makilala ang bagong telco sa Nobyembre 7.
Tila naantala ang desisyon sa usaping ito dahil sa isyung panseguridad kapag ang ikatlong telco ay dayuhang kumpanya. Una nang inimbitahan ng Pangulo ang China na makiisa sa Philippine telco industry, ngunit maraming dayuhang kumpanya ang nagpahayag ng interes sa proyekto. Sa pagkakaroon ng dayuhang kumpanya bilang sentro ng telecommunication industry ng bansa, bukas ang isyu ng national security.
Kasabay ng pagtalakay sa isyu ng ikatlong telco, isang kaugnay na isyu ang lumutang — ang pagpili sa mga kumpanya na magtatayo ng mga tore sa iba’t ibang bahagi ng bansa na kakailanganin ng tatlong telco na dapat na magsimula ang operasyon sa susunod na buwan. Ang Pilipinas ay mayroon lamang 16,000 cellsites, kumpara sa Vietnam na may 65,000. Matagal nang inirereklamo ng kasalukuyang dalawang telco— Globe at Smart— ang mahirap na pagpapaapruba sa lokal na pamahalaan ng mga cellsites na nasa kanilang hurisdiksiyon at iminungkahi ng DICT na resolbahin ang problemang ito sa pagkakaroon ng tower companies na nakatuon sa pagtatayo ng mga cellsites, para gamitin ng tatlong telcos.
Ang mungkahi ni presidential adviser on ICT and economic affairs Ramon Jacinto na magkaroon ng dalawang tower firms — at hindi lang dalawa —ay tinutulan dahil posible itong maging sanhi ng “duopoly” sa tower building, sa oras na tuldukan ang “duopoly” ng telco firms sa pagsasama sa ikatlong telco company. Sa pahayag ng isang analyst, ang paglimita sa dalawang tower firms ay tama lamang — kulang ng 50,000 upang matapatan ang Vietnam— ay hindi lamang ‘di makatwiran kundi hindi rin uubra.
Kaya, kailangan resolbahin ang dalawang isyung ito — national security kapag dayuhang kumpanya ang napili at ang paglimita sa bilang ng mga tower company sa oras na kailanganin ang mga toreng ito.
Dapat na resolbahin ng gobyerno ang mga isyung ito matapos ang ilang talakayan at pag-aaral, upang masimulan na natin ang maayos na trabaho sa pagsisikap na mapaunlad ang ating telecommunication industry sa pagsisimula ng bagong taon.