BINABASA namin ang mga komento at reaksyon ng fans nina Janella Salvador at Elmo Magalona sa lumabas sa Philippine Star kahapon, kung saan inamin ni Janella kay Ricky Lo na sinaktan nga siya ni Elmo Magalona at dalawang beses na itong nangyari.

Janella at Elmo

Pag-amin ni Janella: “It was not an accident. I decided to speak up now because I want to stop the lies” at “It was not the first time that he hurt me.”

Nabanggit pa ni Janella sa interview na una siyang sinaktan ni Elmo, ilang buwan ang nakalipas bago nga itong pangalawang pananakit sa kanya. Aniya pa, hindi raw naalala ni Elmo ang ginawang pananakit dahil nakainom ito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

“He asked for forgiveness and I gave him a chance. I told him, next time, don’t bring yourself to the point that you will hurt someone. He promised naman thay he wouldn’t do it again,” patuloy ni Janella.

Napansin lang namin, kahit umamin na si Janella ay may mga nagdududa pa rin sa kanya at may nag-aakusa pa ngang kasalanan niya kung totoo mang nasaktan siya ni Elmo.

Magkikita sina Janella at Elmo sa November dahil may series of shows sila sa Canada at umaasa ang fans ng dalawa na makakapag-usap sila ng maayos. May hoping naman na magkakabalikan pa sila, pero may mga kumokontra at sabi nga mga ito, kung itong hindi pa sila mag-asawa ay sinasaktan na siya, ay paano pa kung mag-asawa na sila.

Hintayin natin ang sagot o reaksyon ni Elmo sa naturang interview kay Janella.

Sa ngayon ay hati ang fans na sumusuporta sa dalawa.

-NITZ MIRALLES