PINAGTIBAY ng Kamara sa pangalawang pagbasa ang House Bill 7823 o ang “Film Industry Incentives Act”, na naglalayong pagkalooban ng insentibo ang mga Pinoy filmmaker na ginawaran ng parangal sa mga malalaking international film festival.
Sa panukalang inakda ni Rep. Luis Raymund Villafuerte, Jr. (2nd District, Camarines Sur), layunin nitong suportahan ang development at paglusog ng local film industry, kabilang ang “both mainstream and independent films that are produced by Filipino filmmakers or production entities.”
Isinusulong din ang kultura at tradisyong Pilipino na may sariwang pananaw at artistic integrity sa pamamagitan ng filmmaking.
-BERT DE GUZMAN