SA paglipat ni Rayver Cruz sa GMA ay agad nag-level up ang kanyang acting career. Kung sa nilisan niyang network ay supporting roles ang assigned sa actor, sa bagong network ay binigyan na siya ng lead role at heto nga at bibida siya sa bagong afternoon show na Asawa Ko, Karibal Ko. Hindi lamang torn between two lovers ang istorya nito kundi magkakaroon pa siya ng relasyon sa isang transgender.

Anyways, tungkol naman sa magandang relasyon nila ni Janine Gutierrez, ang inamin lamang ng aktor ay ang tungkol sa kanilang pagde-date at masaya siya kapag sila magkasama sila.

“Marami pa akong mga pangarap na pawang may kaugnayan sa aking showbiz career. And who knows, baka magkaroon ito ng mga katuparan ngayong nasa bakuran ako ng GMA.”

Walang dudang hindi pinagsisisihan ni Rayver ang naging desisyon niyang mag-ober da bakod sa itinuturing na number one tv station, ang GMA.

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

-REMY UMEREZ