Kinumpirma ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pumalo sa 6.2 porsiyento ang inflation rate, o pagtataas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa sa ikatlong quarter ng 2018.

Ito ay mas mataas ng 1.4% sa naitalang 4.8% na inflation noong second quarter ng taon.

Pinakamataas ang naging inflation sa gulay, na pumalo sa 18.8%, sinundan ng 12.4% inflation sa isda at iba pang mga seafood.

Aminado ang BSP na malaki ang naging epekto ng TRAIN Law at pagtaas ng singil sa mga utility services sa paglobo ng inflation sa ikatlong bahagi ng taon.

Akbayan, kinatigan kilos-protesta kontra mina sa Dupax Del Norte

Nakaapekto rin, ayon sa BSP, ang ipinataw na sanction ng Amerika sa Iran, na nagbunsod ng pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa.

Nakadagdag pa rito ang mataas na presyo ng krudo sa world market.

-BETH CAMIA