SI Beverly Salviejo nga ba ang Twitter user na pinanggalingan ng serye ng tweets laban sa paglipat ng network ni Regine Velasquez?

Legit nga kayang kay Beverly ang Twitter account na nag-post ng matatapang na tweets, na malinaw na hindi natakot na kuyugin siya ng sandamakmak na fans ng Asia’s Songbird.

Unang tweet ng may Twitter handle na Beverly Salviejo: “Iba na ang panahon ngayon, wala nang loyalty kahit ginawa nila lahat para sa ‘yo, nag-adjust ang network para sa ‘yo, mapagbigyan ka lang, pero anong isinukli mo? Lahat ng bagay hindi nagtatagal, hindi lahat ng bagay na kumikinang ay tumatagal.”

Kaagad iyong sinundan ng isa pang tweet: “Kasi naman, lahat ng adjustment ay ginawa nila para sa kanya. ‘Di ba, iyang Sarap Diva ay binuo para lang sa kanya, dahil ayaw na raw niyang mag-soap? Pati nga ang The Clash ay ginawa rin para sa kanya, ‘di ba? Siguro ang dapat na lang niyang patunayan ay loyalty.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Ang pinakamatindi sa tweets ng nagpakilalang si Beverly: “Some people used GOD’s name to conceal their vile personality, they’re really cunning and deceitful Machiavellian.”

May mga nag-agree sa tweets ng nagpakilalang si Beverly Salviejo, pero meron din namang nag-disagree at ang iba’y nagalit pa sa kanya. Hindi lang daw naintindihan ng mga hindi pabor sa paglipat-network ni Regine na gusto ng growth ng singer-actress.

-Nitz Miralles