AMINADO si Carmina Villarroel na hindi maiiwasang magkaroon ng iba’t ibang reaksiyon o comparison sa kanya bilang kapalit ni Regine Velasquez-Alcasid as host ng GMA-7’s newly-reformatted show na Sarap ‘Di Ba?

Si Carmina na ang mapapanood sa cooking show na iniwan ni Regine, ang Sarap ‘Di Ba?.

“Let’s not compare because she’s the Songbird. And I’m just a frustrated singer. Magkaiba kaming dalawa,” may himig-birong bungad ng aktres.

Nakarating kay Carmina na suportado naman daw ni Regine ang pagpili sa kanya bilang bagong host ng show.

Vic Sotto, nasaktan sa ginawa ng TAPE sa Eat Bulaga

“I heard na when she found out na ako ‘yung susunod sa kanyang yapak bilang Songbird, ang alam ko, she was happy.

“Parang she wanted pa to endorse me. Nung nalaman ko yun, awww... Very thankful naman ako. Kasi hindi naman kailangan, pero nag-offer siya. Hindi na nga lang nangyari, kasi ‘di na nga nangyari.”

Dating may titulo na Sarap Diva, ang parehong weekly cooking-talk show ay pinangunahan ni Regine bilang host sa loob ng anim na taon hanggang sa huling appearance ng Songbird nitong Sabado, nang emosyonal na nga itong nagpaalam sa show at sa Kapuso network.

Noong September 24, inihayag nang si Carmina at ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi ang papalit kay Regine, matapos magdesisyon ng Asia’s Songbird na umalis ng Kapuso Network at lumipat sa ABS-CBN.

Hindi man daw sila nabigyan ng pagkakataong magkausap ni Regine, sapat na kay Carmina ang suportang ipinamalas ni Regine nang i-retweet nito ang promo ng GMA-7 sa bagong show nilang mag-iina.

“Ay, ang saya naman!” nakangiting saad ni Carmina. “Kasi makikita mo naman. Siguro hindi naman sila nagkaroon ng masamang paghihiwalay, eh. Labas naman ako dun. So, hindi rin ako talaga makapag-react nang mabuti.

“You know, my heart is just so full. It’s just all so positive, all happy thoughts sa gesture ni Ms. Regine. Thank you dahil nire-retweet niya. Makikita mo rin naman talaga ‘yung pagmamahal niya sa show. So I’m very thankful,” masayang pagtatapos ni Carmina.

-Ador V. Saluta