ITATAYA ni Asia’s first grandmaster Eugene Torre ang titulo sa pagsulong ng Asian Seniors Chess Championship sa Nov. 2-12 sa Tagaytay International Convention Center sa Tagaytay City.

Napangwagihan ni Torre, tumayong coach ng Philippine Team sa nakalipas na 53rd Chess Olympiad in Batumi, Georgia, ang torneo sa nagdaang season sa New Zealand.

“It will be a ither big challenge for me, but I am ready,” pahayag ni Torre, magdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan sa Nov. 4.

Tampok sa torneo ang mga chess masters sa over-50 at over-65 categories.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Naghihintay sa mananalo sa 10-round tournament na inorganisa ng Tagaytay Chess Club, sa pakikipagtulungan ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP) at Asian Chess Federation (ACF) ang P150,000 cash prize.

Ipagkakaloob din sa kampeon ang International Master title at Grandmaster norm.Ang runner-up ay bibigyan ng FIDE Master title.

Sisimulan ang torneo sa Rapid chess championship bago ang nine-round Swiss System tournament at blitz championship.

Kabilang sa maagang nagpatala ng lahok sina Tony Davis ng Australia, Oleg Rinas, Aitkazy Baimurzin, Timur Kassymov at Kuanishbek Jumadullayev of Kazakhstan, Than Khin of Myanmar, Ahmad Ismail AND Kian Hwa Lim of Malaysia, Mahmou Doudin of Palestine, Dirwan Sinuraya, Myhammad Novian Siregar, Hendry Jamal at Syarif Mahmud ng Indonesia.

Bukod kay Torre, sasabak din para sa Team Philippines, sina Efren Bagamasbad, Adrian Pacis, Steward Manaog and Chito Garma, Ros Bandal at Rolzon Royullo.

May naghihintay na special award para sa woman division.

Nakalista na sa laban sina Helen Milligan ng New Zealand at Mila Emperado ng Pilipinas.

Para sa karagdagang detalye, makipag-ugnayan kay Pat Lee ng NCFP sa mobilme no. 0995-5421266.