KINUMPIRMA mismo ni Lady Gaga ang kanyang engagement sa talent agent na si Christian Carino matapos niyang pasalamatan ang kanyang “fiancé” sa isang Monday event sa Elle Women, Hollywood, ibinahagi ng Cover Media.

Lagy Gaga copy

Nagsimula ang relasyon ng Born This Way superstar, 32, at ng talent agent, 49, noong Nobyembre ng nakaraang taon, at naging ‘secretly engaged’ nitong summer.

Hindi kailanman naging bukas ang Poker Face singer sa kanyang mga fans tungkol sa kanyang mga naging relasyon, ngunit hindi nito naitago ang suot niyang large pink diamond sa kanyang ring finger.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nitong Lunes ng gabi, kinumpirma na sa wakas ng singer-turned-actress ang pinakahihintay ng kanyang mga tagahanga nang mabanggit nito ang kanyang kasintahan sa annual gala ng Elle magazine sa Beverly Hills, California.

“Thank you to all the loved ones in my life,” pagsisimula ni Gaga. “Bobby (Campbell, manager), I love you... My fiance, Christian. All the loved ones in my life who take care of me every day...”

Dating na-engaged si Gaga sa aktor na si Taylor Kinney, ngunit naghiwalay ang dalawa noong 2016 matapos ang limang taong relasyon.