BUMIYAHE na nitong Linggo sina Sharon Cuneta at Ormoc City, Leyte Mayor Richard Gomez para mag-shoot ng kanilang reunion movie sa siyudad ng alkalde.
Unang nag-post sa kanyang Instagram si Sharon nang papunta pa lang siya sa airport. “Off to Ormoc now. Please say a prayer for us for a safe flight and a fruitful, beautiful movie shoot. Love you, guys. God bless us all!”
Sa video, sinabi niyang ten days silang magsu-shooting sa Ormoc ng balik-tambalan nilang Three Words To Forever, pero babalik daw siya ng one day sa Manila para sa birthday party ng bunso niyang si Miguel. Pagkatapos ng party ay babalik din kaagad si Megastar sa Ormoc para sa shooting.
Magkasama na sa eroplano ang dalawa nang mag-post naman si Richard sa IG: “On our way to ‘The City of Beautiful People’. @reallysharoncuneta reminded me that this is our first time together to ride an airplane. #threewordstoforever.”
Tinanong ni Sharon si Richard kung may lechon na raw. Meron na raw, dalawa pa, sagot ni Richard.
Hindi binanggit ng dalawa kung after ng shoot nila sa Ormoc ay tapos na ang movie. May playdate na kasi ang balik-tambalan movie nina Sharon at Richard sa November 28, sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina, for Star Cinema.
-Nora V. Calderon