NAG-POST ng sexy photos ni Jake Cuenca ang manager niyang si Neil de Guia bilang promo sa bagong teleserye ng aktor, ang Los Bastardos.

Jake copy

“Jake Cuenca as Isagani Esperanza in Los Bastardos. Abangan siya, October 15, Monday ABS-CBN #afternoonserye #kapamilyagold #losbastardos_abscbn @andreisuleik @rsbdramaunit .”

Kaagad naming tinanong si Neil kung kasama ba ang ipinost niyang sexy photos ni Jake sa mga eksena ng aktor sa Los Bastardos, na napapanood na tuwing hapon pagkatapos ng Kadenang Ginto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Para sa book niya,” sagot sa amin.

Maglalabas na rin ng libro si Jake? Sexy photos ang laman? Sinong photographer? Sunud-sunod na tanong namin sa manager ng aktor.

“It’s his personal book lang. Gusto lang niya makita na at 30s kaya pa niya magpa-sexy at makipagsabayan sa mga batang aktor,” paliwanag sa amin.

Binasa namin isa-isa ang mga komento sa mga sexy photo ni Jake, at lahat sila ay humihingi ng kopya at ‘yung iba ay gustong makipagkilala sa aktor.

Pero sorry na lang sa mga humihingi dahil hindi para sa publiko ang nasabing libro.

Ilang kopya ang ipapa-print ni Jake?

“Isa lang. Ha, ha, ha!” pagkumpirma ni Neil.

Anyway, si Jake ang panganay sa magkakapatid na bida sa Los Bastardos, at ang kinilala niyang mga magulang ay sina Efren Reyes, Jr at Rosanna Roces. Lumaki siya sa hirap at matulungin sa lahat ng nangangailangan.

-REGGEE BONOAN