SA rami ng proyekto ng Spring Films ay time out muna ang producer at aktor na si Piolo Pascual sa paggawa ng teleserye, dahil nakakapagod daw ito.

Ilan lang sa mga proyekto ng Spring Films ang Hayop Ka, isang animation na bibigyang-boses ng mga local artist. Natapos na rin ang pelikulang ginawa ng anak niyang si Iñigo, na ang katambal ay si Maris Racal.

Samantala, tatlong malalaking pelikula ang nakaline-up para kay Piolo, pero todo-iwas naman siya kapag love life na niya ang inuusisa.

Anyways, tuloy ang war movie na Marawi na pagbibidahan nila ni Robin Padilla. May pelikula rin siyang gagawin para kay Direk Lav Diaz at sana ay huwaag itong tumagal nang hanggang tatlong oras, gaya ng ibang movie ng premyadong direktor.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Ang pangatlong proyekto, although may katiyakan na, ay ayaw pang ihayag ni Piolo ang buong detalye pero may kinalaman daw ito sa 100th anniversary ng Philippine Cinema.

-Remy Umerez