NAG-ISSUE na ng press statement si Ces Drilon sa libel case na isinampa sa kanya ni Gretchen Fullido, at ang understanding naming ay magkokontra-demanda siya.

Ces

“Throughout my life, I have been an advocate of women’s rights and women’s empowerment,” saad sa opisyal na pahayag ni Ces.

“It is unthinkable for me to say what Gretchen Fullido alleges. I would never belittle any woman coming out to speak of any abuse committed against her. It is everything against I stand for as a woman.

Kalokalike ni Awra Briguela, mas maganda pa raw sa kaniya

“I reserve the right to consider legal proceedings against these false allegations and attack on my reputation,” bahagi pa ng post ni Ces.

Nagsalita na rin si Atty. Evalyn Ursua, ang counsel ng ABS-CBN executives na sina Cheryl Favila (nag-resign na) at Maricar Asprec na kinasuhan ni Gretchen ng criminal cases for sexual harassment, libel and victim shaming.

Ang hindi pa nagsasalita sa mga sinampahan ng kaso ni Gretchen ay si Marie Lozano, na kinasuha din ni Gretchen ng libel. In fact, disable ang comment box ng three latest post ni Marie para walang makapasok na netizens na mamba-bash lang sa kanya.

Inaabangan ang kasong ito at tiyak na dudumugin ng lahat ng media kapag nagsimula na ang hearing.

Tama ba kaming nagtatrabaho pa rin sa ABS-CBN sina Ces, Maricar at Gretchen? Ano kaya ang eksena ‘pag nagkita-kita sila?

-Nitz Miralles