BAGO sumikat si Coco Martin ay dumanas muna siya ng maraming hirap.

At kung saan man naroroon ngayon si Fernando Poe, Jr. ay tiyak na ipagmamalaki niya ang tagumpay ni Coco, partikular sa pagkakabuhay sa telebisyon ng classic movie ni Da King na Ang Probinsiyano. Ito na ang biggest achievement ni Coco sa kanyang career, at ayaw paawat sa ratings ng serye, kahit pa tatlong taon na ito.

Sa kabilang banda, kilala ang yumaong action king bilang matulunging tao. Naging trademark na rin ito ni Coco, sa hindi mabilang na mga kasamahan sa industriya na binigyan niya ng trabaho—kahit pansamantala lang—partikular iyong mga gustong magbalik-showbiz.

Hindi namin pagtatakhan kung sa mga araw na darating ay mapapanood na natin ang pagbabalik showbiz ng dating sexy star na si Sabrina M.

Elijah Canlas, emosyonal na inalala yumaong kapatid sa concert ni Olivia Rodrigo

Malaya na ngayon si Sabrina matapos makulong ng halos dalawang taon dahil sa ilegal na droga.

-Remy Umerez