Inihayag ng National Food Authority (NFA)-11 na darating sa Davao ngayong Oktubre ang 300,000 sako ng bigas mula Vietnam at Thailand.

May kaugnayan ito sa reklamo na nagkulang ang supply ng bigas sa nakaraang buwan at pagtaas ng presyo ng commercial rice.

Ayon kay Leonila Selpa, NFA Provincial Manager, sa kasalukuyan mayroong 115,000 sako ng bigas ang bodega ng NFA Davao at sapat ito hanggang Disyembre ngayong taon.

-Beth Camia
Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter