YES, true na mabentang-mabenta ngayon ang seryeng Onanay nina Nora Aunor, Cherie Gil, Mikee Quintos, Kate Valdez, at ng sumisikat na baguhang aktres na si Jo Berry. Kung mabenta sa advertisers ang serye, bentang-benta naman sa mga tindahan at palengke ang “Onanay”.

Jo copy

Habang maraming manonood ang nahuhumaling sa nasabing Kapuso primetime series, agaw-atensiyon naman online ang isang tsitsiryang inspired ng Onanay, na inuulan ng puro pampa-good vibes na komento ng netizens.

Base sa mga comments na nabasa namin, mabenta nga raw ang nasabing tsitsirya sa mga palengke at tindahan.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maging ang Superstar na si Ate Guy ay natutuwa sa mataas na ratings na nakukuha ng seryem kahit hindi siya ang nasa title role. At least kahit special participation lang siya sa Onanay ay in full support naman sa mahusay na aktres ang Noranians worldwide.

And take note, aabot sa 18 ang TV commercials sa bawat gap ng serye, na bihirang mangyari, sa true lang. Kapag maraming TV ads ang isang serye ay talagang malaki ang kumpiyansa ng advertisers na matindi ang hatak nito sa televiewers.

So, congrats to all the cast of Onanay. Tutok lang sa painit na painit na mga tagpo sa serye, lalo na ngayong kinakalaban na rin ni Nathalie (Kate) si Helena (Cherie) dahil nagdududa ang dalag na may itinatago ang kinagisnan niyang ina tungkol kay Onay (Jo)

-MERCY LEJARDE