MATINDI ang mga pinagdaanang eksena ni Katrina Halili sa seryeng The StepDaughters kaya naman gusto raw niyang magbakasyon muna pagkatapos ng afternoon prime drama series.

Katrina copy

Sa story kasi, as Isabelle, anak siya ni Hernan (Gary Estrada). Ayaw na ayaw niyang mag-asawa uli ang ama kaya nagalit siya nang maging karelasyon nito si Luisa (Glydel Mercado) makaraang mamatay ng mommy niya. Anak ni Luisa si Mayumi (Megan) kaya naging stepdaughters sila. Kaya nang pumasok na sa buhay nila ang mag-ina ay walang ginawa si Isabelle kundi mag-isip ng paraan para mawala sa kanila sina Luisa at Mayumi, pero ang nangyari ay kabaligtaran dahil siya pa ang naging kaawa-awa dahil itinakwil siya ng ama.

“Kaya lalo po akong nagalit kina Mayumi at Luisa, at gagawa ako ng paraan para makabangon ako at maghiganti sa kanila,” kuwento ni Katrina. “Pero drama lang po naman namin ang sakitan, kahit kung minsan hindi naman talaga maiiwasan, kasama na iyon sa aming trabaho bilang isang artista.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Kaya nag-decide akong magbakasyon muna after nito. Inabot din kami ng halos eight months na wala talagang tigil ang taping, pero thankful kami dahil ganito ang mga story na gustung-gustong panoorin ng mga televiewers.”

Saan naman siya magbabakasyon?

“Dito-dito lang sa malapit. Kasama ko ang anak kong si Katie, magba-bonding kami nang hustong mag-ina dahil may mga times ding hindi kami magkasama lalo na kung inaabot ako ng umaga sa taping, tapos pagdating ko sa bahay, wala na si Katie, pumasok na sa school. Pero hindi nga kami lalayo, kasi baka may TV guestings namang ibigay sa akin, sayang naman, habang naghihintay ako ng next project ko sa GMA.”

Si Katrina ay may beach house sa El Nido, Palawan kaya malamang ay isa iyon sa pupuntahan nila ni Katie.

Ang The StepDaughters ay napapanood araw-araw pagkatapos ng Ika-5 Utos.

-Nora V. Calderon