NITONG Biyernes, hindi inaasahang magagapi ang dating unbeaten Lyceum of the Philippines University Pirates ng University of Perpetual Help Altas sa isang dikdikang laro.

Paubos na ang oras at kinakailangan nila ng basket, ipinuwersa ni Prince Eze ang sarili upang makasingit sa shaded area para sa isang buzzer-beating putback na nagpanalo sa Altas, 83-81.

Ang nasabing come-from-behind na panalo ng Altas ang unang kabiguan ng Pirates ngayong season at una din nilang talo sa elimination round mula noong nakaraang taon.

Dahil sa kanyang kabayanihsn, si Eze ang naging undisputed choice para maging Chooks-to-Go/NCAA Press Corps Player of the Week.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“I know it’s possible. I know it’s possible!” sigaw ni Eze bilang pagdiriwang sa kanilang panalo.

Tumapos sa nasabing laban ang Nigerian slotman na may 25 puntos, 23 rebounds, at 2 blocks.

“Big game by Eze of course. He has MVP stats again,” ayon naman kay Perpetual Help head coach Frankie Lim.

“I saw something in our last game, the defense we played, I saw a lot of things,” pahayag naman ni Eze. “We have a lot of rookies in our team so we just have to follow the coaches which tell us what to do. We just keep on fighting.”

Dahil sa panalo, nakamit ng Altas ang ikapito nilang panalo upang manatiling nasa kontensiyon para sa Final Four.

Tinalo ni Eze ang kanyang teammate na si Edgar Charcos, St. Benilde standout Justin Gutang, San Beda ace guard Robert Bolick, at Letran 1-2 punch na sina Bong Quinto at JP Calvo para sa weekly citation.

-Marivic Awitan