Posibleng mabulok na sa kulungan ang isang binata, na nahaharap sa 80 bilang ng rape at 40 sexual assault charges, matapos siyang madakip ng mga pulis sa pinagtatrabahuang kumpanya sa Taguig City, nitong Sabado.

Nasa kustodiya na ng pulisya si Franze Ramirez y Adriano, 27, mortgage specialist, ng South Cembo, Makati City.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nadakip ng mga tauhan ng Taguig City Police ang suspek sa pinagtatrabahuhan nito sa Bonifacio Global City, dakong 12:30 ng umaga.

Kasabay ng isinagawang ng Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operations (SACLEO) ng awtoridad sa lugar, isinilbi sa suspek ang warrant of arrest nito na inisyu ng Makati Regional Trial Court (RTC) para sa nasabing mga kaso.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Nabatid na para sa kasong rape ay walang inirekomendang kaukulang piyansa ang korte para kay Ramirez, habang may P120,000 piyansa naman sa bawat isang kaso ng sexual assault laban sa suspek.

-Bella Gamotea