Nais ni Speaker Gloria Macapagal Arroyo na maging malinaw ang depinisyon ng open-pit mining at ito ay ipagbawal.
Sa pagdinig nitong Huwebes, idiniin ng lider ng Kamara na talagang ayaw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa open-pit mining.
“When the President says, ‘I don’t want open-pit mining,’ once and for all, we must define it in a law so that we get out of the layman’s meaning and go to a technical meaning,” ani Arroyo.
Dumalo si Arroyo sa pulong ng technical working group (TWG) Committee on Ways and Means sa pamumuno ni Rep. Estrellita Suansing (1st District, Nueva Ecija), na nag-aayos sa House Bills 422 at 7994 tungkol sa pagtatatag ng fiscal regime psa mining industry ng bansa.
Ayon kay Arroyo, nais niyang maisama ang ikalawang bahagi sa substitute bill na magbibigay ng depinisyon sa open-pit mining bilang paglabag sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) Administrative Order (DAO) 2018-2019.
-Bert De Guzman