Isasara ang ilang kalsada sa Maynila ngayong Biyernes kaugnay ng paggunita sa ika-46 na anibersaryo ng batas militar.

Magpapatupad din ng traffic rerouting scheme ang Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) upang maiwasan ang pagsisikip ng daloy ng trapiko dahil sa mga demonstrasyong idaraos sa lungsod.

Sa abiso ng Manila Police District (MPD), simula 6:00 ng umaga, sarado ang north at southbound lane ng Roxas Boulevard mula Katigbak Drive hanggang President Quirino Avenue, gayundin ang eastbound lane ng TM Kalaw street mula Ma. Orosa Street hanggang Taft Avenue.

Sarado rin ang dalawang lane ng TM Kalaw Street patungong Roxas Boulevard, at service road sa kanto ng UN Avenue at Roxas Boulevard sa Ermita.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Pinapayuhan naman ng MDTEU ang mga motorista na humanap na lamang ng alternatibong ruta upang makaiwas sa masikip na daloy ng trapiko.

“All vehicles coming from the northern part of Manila intending to utilize the stretch of the southbound lane of Roxas Boulevard passing Delpan Bridge-Pier Zone are advised to take a left turn to P. Burgos street to point of destination,” abiso pa ng MDTEU.

“All vehicles using the westbound lane of TM Kalaw street going to Roxas Boulevard are advised to turn left to MH Del Pilar street to point of destination,” ayon sa MDTEU.

Ang mga mula naman sa Mabini Street na dadaan sa eastbound lane ng TM Kalaw Street patungo sa Taft Avenue ay dapat na kumaliwa sa Ma. Orosa, habang ang mga behikulo mula sa southern part ng Maynila, na dadaan sa northbound lane ng Roxas Boulevard ay dapat na kumanan naman sa President Quirino.

“All cargo trucks using the southbound route coming from Pier area shall take the northbound or Road-10, right to Capulong, straight to Yuseco, AH Lacson Avenue to point of destination,” dagdag pa ng MDTEU.

-Mary Ann Santiago