Ipinagtanggol ng Department of Trade and Industry (DTI) ang plano nitong magbenta ng murang bigas ng National Food Authority (NFA) sa malalaking supermarket sa bansa.

Sinabi ni DTI Secretary Ramon Lopez na layunin nitong magkaroon ng maraming lugar na mabibilhan ang taumbayan ng murang NFA rice.

Tiniyak din ni Lopez na tig-aapat na kilo lang ang ilalaan sa mga nais na bumili ng NFA rice.

Una nang kinontra ni NFA Spokesperson Rex Estoperez ang planong ito ng DTI, at iginiit na dapat na prioridad ang mga palengke sa bentahan ng NFA rice, bukod pa sa pinipilahan talaga ito sa mga pamilihan.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

-Beth Camia