Ipinaubaya na ng Malacañang sa Kongreso ang usapin hinggil sa pagpapalit ng huling dalawang linya ng Pambansang Awit ng Pilipinas na “Lupang Hinirang”, dahil may mas mahahalagang bagay na mas dapat pagtuunan ng pansin.

Ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque makaraang isulong ni Senate President Tito Sotto ang rebisyon ng ayon sa kanya ay “defeatist” na panghuling liriko ng Pambansang Awit, na sinimulang kantahin ng mga Pilipino noong 1956.

Isinusulong ni Sotto na palitan ang dalawang huling linya ng awit: mula sa “Ang mamatay nang dahil sa ‘yo” ay gawing “Ang ipaglaban kalayaan mo”.

“Iniiwan na po namin ‘yan sa Kongreso. Mas maraming mas matitinding problema na dapat harapin. Bahala na po ang Kongreso diyan,” ani Roque.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

Isinulong ni Sotto ang naturang suhestiyon pagkatapos ng pagdinig sa Senado hinggil naman sa panukalang-batas na naglalayong dagdagan ang sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas.

Hiniling ni Sotto sa kanyang mga kapwa kongresista na ikonsidera ang pagrebisa sa mga liriko, ngunit klinaro niyang hindi niya ito ipipilit.

Aniya, isinulong niya ang usapin dahil nabigyang-pansin na rin lang naman ang disenyo ng watawat, at puwede na ring rebisahin ang buong Republic Act 8491, na nagsasaad ng code ng pambansang watawat, awit, at iba pang makasaysayang bagay sa bansa.

Sinabi naman ni Senador Richard Gordon, na awtor ng panukalang-batas na naglalayong baguhin ang hitsura ng watawat ng Pilipinas, na ikokonsidera niya ang proposal ni Sotto, at handa umano siyang magsumite ng hiwalay na panukalang-batas para sa rito.

Ang Lupang Hinirang ay kinatha ni Julian Felipe noong 1898, habang ang liriko ay isinalin mula sa tulang Kastila na “Filipinas”, na isinulat ni Jose Palma noong 1899.

-Argyll Cyrus B. Geducos