KRAKOW (AP) – Isa sa largest swinging bells in the world, tumitimbang ng 55 tonelada (7,850 bato), ang pinasinayaan sa lungsod ng Krakow sa Poland nitong Huwebes bago ito ikakabit sa isang major pilgrimage site sa Brazil.

Ang “Vox Patris” bell ay may taas na apat na metro (13 feet) at lapad na 4.5 metro. Ilalagay ito sa Basilica of the Eternal Father sa lungsod ng Trindade sa central Brazil, sinabi ng may-ari na si Piotr Olszewski.

Gawa sa copper at lata, pagaganahin ito ng apat na makina, at sa sandaling maikabit ay magiging bahagi ng 100 metrong taas na tore.

“The preparations and tests lasted almost four years,” sinabi ni Olszewski sa mga mamamahayag.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang hamon sa ngayon ay kung paano ibibiyahe ang higanteng kampana patungong Brazil sakay ng bangka – sa paglalakbay na tinatayang aabutin ng isang taon.