MAGLALABAS ang K-pop boy band na Super Junior ng bagong album sa susunod na buwan.
Naglalaman ang mini album na One More Time ng limang kanta na may Latin pop flavor. Ire-release ang music video at napiling kanta simula Oktubre 8.
Pitong miyembro ang kabilang sa comeback: Sina Leeteuk, Yesung, Eunhyuk, Siwon, Donghae, Ryeowook at Shindong. Hindi naman makadadalo si Heechul dahil sa kanyang health issues.
Ito ang unang album ni Ryeowook mula nang makalabas siya sa camp noong Hulyo 11, at makumpleto ang kanyang military service.
Noong Abril, naglabas din ang Super Junior ng repackaged album na Replay, na naglalaman ng carrier track na Lo Siento featuring Leslie Grace.
Noong Agosto, inilabas naman ng Super Junior D&E a binubuo nina Donghae at Eunhyuk ang kanilang mini album na ‘Bout You, na nanguna sa iba’t ibang iTunes charts sa buong mundo.
Kamakailan ay nagtanghal ang Super Junior sa closing ceremony ng 2018 Asian Games na ginanap sa GBK Stadium sa Jakarta, Indonesia.
-JONATHAN HICAP