‘GOING for gold’ sa Hollywood ang Asian actor na si Henry Golding, matapos niyang makuha ang lead role sa isa na namang romantic movie.

Henry copy

Sa ulat ng The Hive Asia, bibida ang 31-year-old Sarawak-born actor bilang male lead para sa Paul Feig’s upcoming holiday romance, na Last Christmas.

Ayon sa Hollywood reporter, walang pahayag hinggil sa magiging takbo ng kuwento kaya hindi pa malaman ang detalye para sa karakter na gagampanan ng aktor. Bagamat sa London umano ang magiging setting ng movie.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Makakatambal ng Crazy Rich Asians star ang Game of Thrones actress Emilia Clarke.

Isa ngayon si Henry sa mga Hollywood’s sought-after leading men, mula ng bumida ang aktor sa kanyang first big gig bilang male lead sa Crazy Rich Asians ni Jon M. Chu, na agad nasundan ng isa pang lead role sa A Simple Favor kasama sina Anna Kendrick at Blake Lively.

Ito ang ikalawang pagkakataon na makakatrabaho ng English-Malaysian actor si Feig, na direktor rin ng A Simple Favor.

Isinulat nina Emma Thompson at Bryony Kimmings, hango ang pelikula sa sikat na kantang Last Christma ni George Michael.