Sinisiyasat ng Taguig City Police ang motibo sa sinasabing pagpapatiwakal ng isang retiradong opisyal ng Philippine National Police (PNP) sa loob ng kanyang bahay sa lungsod, iniulat kahapon ng Southern Police District (SPD).

Kinilala ang biktimang si retired Senior Insp. Abelardo Belleza Sr., 62, ng Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Sa ulat na ipinarating ni Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, nadiskubreng nakabitin ang katawan ng biktima sa wooden beam ng kusina ng kanilang bahay, dakong 3:50 ng umaga nitong Linggo.

Laking gulat ni Abegail Belleza, anak ng biktima, nang matagpuang nakabigti at wala nang buhay ang ama, kaya mabilis siyang humingi ng tulong sa mga kapitbahay na nagpabatid naman ng insidente sa awtoridad.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Hindi pa matukoy ng awtoridad ang sanhi o motibo sa pagpapatiwakal umano ng biktima.

-Bella Gamotea