UMAANI ng magkahalong opinyon at obserbasyon sa basketball fans ang pagbibitiw ni Chot Reyes bilang National coach ng Phlippine Gilas team nitong Martes.

CHot copy

Sa kanyang Twitter account, sinabi ni Reyes n a m a n a n a t i l i siya sa Samahang Ba s k e t b a l l ng P i l i p i n a s (SBP) para makatulong sa basketball program ng asosasyon at sa paghahanda sa 2023 FIBA World Cup kung saan co-host ang Pilipinas.

Sinabi rin ni Reyes, humawak sa Philippine Team mula noong 2013, na handa siyang tumulong sa kampanya ng koponan na pinangangasiwaan ngayon ni Yeang Guiao upang makaabot sa 2019 FIBA World Cup.

6 koponan nagbabalak ligwakin ang PVL; lilipat daw sa bagong liga?

Ngunit, lumabas ang desisyon ni Reyes ilang araw matapos ipahayag ni SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan ang pagbibigay kay Guiao sa posisyon in ‘full time capacity’.

“We have long worked for full support from all of Philippine basketball’s major stakeholders – from Coach Rajko Toroman’s time to my stint in 2013-2014, then Coach Tab Baldwin, until my current tenure,” pahayag ni Reyes, tumatayo ring pangulo ng TV5 network na pag-aari rin ni Pangilinan.

“Now that the PBA has opened its doors fully to the SBP and the national team, it is time for me to step aside and contribute in a different capacity, focusing on the 2023 program,” ayon kay Reyes.

Pinangasiwaan ni Reyes ang Gilas sa makasaysayang runner-up finish sa 2013 Fiba World Cup tungo sa pagbabalik ng bansa sa Fiba World Cup.

Ngunit, napatawan ng suspensyon at multa si Reyes ng FIBA bunsod umano na pagutos sa mga players na manakit sa laro laban sa Australia na nauwi sa free-for-all nitong Hulyo 1 sa Philippine Arena.

Mang i l an- g i l an ang nagpahayag ng panghihinayang sa naging desisyon ni Reyes, ngunit marami r i n ang nagpahayag ng kanilang kasiyahan sa pagkakaalis niya sa koponan at pagbibigay pagkakataon kay Guiao na dalhin ang Pilipinas sa tugatog ng tagumpay.