Wala umanong katotohanan ang mga kumalat na ulat hinggil sa umano’y destabilization plot ng ilang aktibong miyembro ng militar laban sa pamahalaan, bilang pagpanig kay Senador Antonio Trillanes IV.

Itinanggi rin ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa isang press briefing sa Camp Aguinaldo na hati ang militar dahil sa umano’y kasalukuyang sitwasyon ng pulitika sa bansa.

“No, I don’t think so. That is just a rumor. May gumagawa ng storya na ganyan na marami nang disgruntled na active military pero wala naman kaming nakikita, eh,” pahayag ni Lorenzana.

Naniniwala ang kalihim na mataas ang moral ng mga sundalo.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Matataas na ang suweldo nila, nadoble. ‘Di mataas ang morale niyan, ‘di ba,” ani Lorenzana.

Ayon pa kay Lorenzana, kung may lalabas man na balita tungkol sa destabilization, ito umano ay galing sa Communist Party of the Philippines- New People’s Army (CPP-NPA).

“Meron sila kasing oust Duterte, eh, na ipinapaano nila ‘yan sa mga galamay nila. Now I don’t know if sasakyan yan ng ibang grupo, we do not know,” sabi pa ni Lorenzana.

-Francis T. Wakefield