HINDI man nakapanood si Marian Rivera sa Kyline: Take FL16HT concert ni Kyline Alcantara last Saturday, hindi pa rin nakalimutan ni Marian na i-congratulate si Kyline sa successful concert nito.

Kyline copy

Sa Sunday PinaSaya last Sunday, binigyan ni Marian ng bouquet of flowers si Kyline. Ipinost naman ito ni Kyline sa kanyang Instagram Story at nilagyan ng caption: “I love you so much, ate @marianrivera.”

Nauna rito, binigyan din ni Marian si Kyline ng black boots, na ginamit ng dalagita sa kanyang concert.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Samantala, after her successful concert ay may kasunod kaagad na blessing na dumating kay Kyline—nanalo siya bilang New Female Recording Artist of the Year sa 2018 PMPC Star Awards for Music.

Dagdag na blessing pa kay Kyline ang bagong teleserye na pagbibidahan niya, na pag-uusapan na dahil tapos na ang kanyang concert. Isa sa makakasama niya sa teleserye ang mahusay na batang aktres na si Therese Malvar.

-NITZ MIRALLES