MULING lalarga ang pinakahihintay at prestihiyosong international cockfight competition – ang World Slasher Cup – sa Enero 21-30 sa susunod na taon sa makasaysayang Smart Araneta Coliseum.

WORLD Slasher Cup sa Big Dome

WORLD Slasher Cup sa Big Dome

Hindi lamang locals bagkus foreign breeders ang naghihintay at sabik na makalahok sa torneo na itinututing pinakamatikas na nine-cock invitational derby sa bansa.

Tinaguring ‘Olympics of Sabong’, ang World Slasher Cup ay nagtatampok sa pinakamatitikas na manok panabong mula sa arena nang mga mahuhusay na breeders sa buong mundo.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Target ng organizers na malagpasan ang record entry sa nakalipas na taon na pinagharian ng Greengold Uno, na pagmamay-ari ni sabong enthusiast at newspaper executive Rey Briones at farm manager Rod Advincula, anak nang dati ring WSC campaigner.

Ipinahayag ni Briones na ang panalo niya sa WSC 2 nitong Mayo ang pinakamatikas at “sweetest victory,” bunsod na rin ng pagiging underdog.