SA mga naging finalists ng Tawag ng Tanghalan sa It’s Showtime, tanging si Sam Mangubat lamang ang nagkaroon ng solid fan base pagkatapos ng Season 1 finals.

Sam copy

At dahil na rin sa lahat ng suportang ipinagkakaloob sa kanya ng fans, binigyan siya ng Star Events ng oportunidad bilang ang unang TNT contestant na magkaroon ng major solo show, na gaganapin sa Music Museum sa Setyembre 15.

Hindi rin daw makapaniwala si Sam kung bakit siya ang napiling bigyan ng pagkakatong magsagawa ng sariling concert.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Hindi ko iniisip ‘yung idea so much dahil hindi ko rin talaga sigurado kung bakit. Pero siguro dahil na rin ito sa supporters ko na talagang solid na nagpaparamdam sa ABS-CBN sa social media na gusto nila ako makita mag-perform. And I’m really happy about that,” aniya.

Inamin din ni Sam na malaki ang ipinagbago ng kanyang buhay simula nang magkaroon siya ng ilang show, gig, at iba pang proyekto.

“Mas marami ako ngayong performances na ginagawa tapos mas maraming trabaho kasi nga nakilala sa Tawag Ng Tanghalan.”

‘Yun nga lang, hindi pa natutunan ng singer na ilagay sa bangko ang kanyang ipon para sa seguridad. Ngunit hindi naman daw hinahayaan ni Sam na mawalan ng saysay ang kinikita dahil idinederetso niya ang kinakitang pera sa investment. Hindi rin niya nakakalimutang tumulong sa ibang tao habang patuloy niyang inaabot ang mga pangarap.

“Ako kasi hindi ako nagtatago ng pera sa bangko. Nag-iinvest ako ngayon ng unit sa condo. Doon ko nilalagay ‘yung iniipon ko pero kasi tumutulong din ako sa church namin. Sa Church Building and tumutulong ako sa family ko, sa mga kapatid ko, sa pagpapaaral sa kanila,” sey ni Sam.

-ADOR SALUTA