Lagpas pa sa inaasahan ang naitalang inflation rate nitong Agosto, na sumirit sa pinakamataas sa nakalipas na mahigit siyam na taon.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), nasa 6.4 na porsiyento ang naitalang inflation rate sa bansa, mas mataas sa 5.7% noong Hulyo.

Bago ito, naglabas ang Department of Finance (DoF) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng forecast at inasahang papalo sa 5.9% ang inflation nitong Agosto, pero iginiit ng ilang economic analyst na posible talaga ang six percent rate dahil sa pagtataasan ng presyo ng ilang bilihin.

Naninindigan naman si BSP Governor Nestor Espenilla Jr. na sa pagtatapos ng taon ay mananatili pa rin ang inflation rate sa two to four percent average.

Matapos maligwak ang request: Paolo Duterte, pumayag manatili si VP Sara sa kaniyang opisina

-BETH CAMIA