Sa mismo ng isang casino dinampot ng mga pulis ang isang lalaking wanted sa pag-iisyu ng tsekeng walang pondo, sa Malabon City, nitong Lunes ng gabi.

Nahaharap si Arthur Leongson, 46, ng Bambang Street, Sta. Cruz, Maynila, sa paglabag sa 10 bilang ng Batas Pambansa Blg. 22.

Napag-alaman na taong 2016 nang nag-isyu umano si Leongson ng tseke sa kanyang kliyente, pero tumalbog ito dahil walang pondo.

Ayon kay SPO4 Manny Ric De Los Angeles, ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon Police, dakong 8:30 ng gabi nitong Lunes nang nakatangap sila ng impormasyon na nasa loob ng isang casino si Leongson sa Mac Arthur Highway, Barangay Potrero.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bitbit ang warrant of arrest mula sa Metropolitan Trial Court Branch 56 ng Malabon, inaresto ang suspek habang nagsusugal.

-Orly L. Barcala