Mga Laro Ngayon

(Araneta Coliseum)

4:30 n.g. -- San Miguel vs Blackwater

7:00 n.g. -- Ginebra vs Northport

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

SOLONG liderato ang puntirya ng defending champion Barangay Ginebra sa paghahangad sa ikatlong sunod na panalo sa tampok na laro ngayong gabi ng 2018 PBA Governors Cup.

Makakaharap ng Kings ganap na 7:00 ang bokyang Northport Batang Pier sa Araneta Coliseum, kasunod ng unang salpukan sa pagitan ng San Miguel Beer at Blackwater ganap na 4:30 ng hapon.

Huling tinalo ng Kings ang dating nangungunang Alaska Aces sa nakaraan nilang laro sa pamumuno ni reigning Commissioners Cup Best Import Justin Brownlee na nagposte ng 45 puntos, 11 rebounds at siyam na assists.

Tatangkain ng Ginebra na kumalas sa kasalukuyang pagkakabuhol sa Magnolia sa liderato taglay ang markang 2-0.

-Marivic Awitan