Sa kabila ng kaliwa’t kanang kontrobersiya, ipinagmalaki ni Mayor Oscar Malapitan na Top 8 ang Caloocan City sa pinakamababang crime rate sa bansa.

Sa datos ng Directorate for Investigation and Detective Management’s (DIDM) Crime Research and Analysis Center ng PNP, nakapagtala ng 33.38 porsiyentong average monthly crime rate ang Caloocan City.

Kaugnay nito, nanguna ang Ormoc City sa pinakamababang crime rate na 16.24%, sa pananaliksik ng PNP-DIDM sa 36 na lungsod sa bansa mula Enero hanggang Abril 2018.

Sinabi ni Malapitan na tanging ang Caloocan City ang nakasama sa Top 10 lowest crime rate sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR).

National

Ilang araw bago ang New Year: Bilang ng mga naputukan, pumalo na sa 69

Nangako ang alkalde na ipagpapatuloy ang pagsuporta sa Caloocan City Police,sa ilalim ni Police Senior Supt. Restituto Arcanghel, sa pagbibigay ng mga sasakyan, gamit, teknolohiya at allowance para sa mga pulis upang higit na maging epektibo laban sa krimen.

-Orly L. Barcala