Arestado ang isang retired US Air Force at ang dalawa pang lalaki matapos na maaktuhang nagtotong-its sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga inaresto na sina Roderick Threet, 55, mula sa Sta. Clara California, USA, nakatira sa No. 14 Uranium Street, Barangay Pamplona 3, Las Piñas City; Nelson Perez, 32; at Eleonor Bangued, 43, kapwa nakatira sa Dela Cruz, Compound, Bgy. Paso De Blas, Valenzuela City.

Sa imbestigasyon, bisita nina Perez at Baniqued si Threet at nagkatuwaan na maglaro ng tong-its sa Dela Cruz, Compund, Paso De Blas, bandang 1:35 ng hapon.

Napadaan ang tauhan ng PCP 1 at naaktuhan ang pagsusugal ng tatlo at inaresto.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Kinasuhan ang mga suspek ng PD 1602 (Illegal Gambling).

-Orly L. Barcala