Alaska's Mike Harris (left) and Phoenix's Eugene Phelps battle for a rebound during the PBA Governors' Cup at Smart Araneta Coliseum, August 29, 2018 (Rio Leonelle Deluvio)

ni Marivic Awitan

Mga laro ngayon (Araneta Coliseum)

4:30 pm Columbian Dyip vs. TNT

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

7:00 pm Alaska vs.Ginebra

Tumatag sa kanilang pagkakaluklok sa solong liderato ang tatangkain ng Alaska sa pagsagupa nila sa defending champion Barangay Ginebra na target naman ang ikalawang sunod na panalo sa tampok na laro ngayong gabi ng PBA Governors Cup.

Ganap na 7:00 ng gabi ang tapatan ng Aces (3-0) at ng Kings sa Araneta Coliseum kung saan hangad ng una na maiposte ang ika-4 na sunod nilang panalo.

Impresibo ang NBA veteran at import ng Aces na si Mike Harris sa kanilang unang panalo ngunit sa pagkakataong ito, magkakasukatan sila ng laro ni reigning Commissioners Cup Best Import at maituturing ng beterano ng PBA na si Ginebra import Justin Brownlee.

Kasalukuyang nakakalamang ng dalawang laro ang Aces sa Kings na nakabuntot sa kanila at pumapangalawa kasalo ng Blackwater at ng Magnolia na may laro kahapon habang isinasara ang pahinang ito kontra Northport Batang Pier na pawang may tig-isang panalo.

Sa unang laban, pinaghihiwalay ng isang panalong taglay ng TNT, magtutuos ang Katropa at winless pa ring Columbian Dyip ganap na 4:30 ng hapon.

Walang mahanap na kasagutan si TNT coach Nash Racela sa kung anong bumabagabag sa Katropa na bumagsak sa ika-4 nilang kabiguan sa panglima nilang laban kontra Phoenix Fuel Masters,82-112 noong nakaraang Biyernes.

Sa tatlo mula sa apat nilang talo kabilang na ang huling kabiguan sa Phoenix, natambakan ang TNT ng average na 21.7 puntos na hindi naman dating nangyayari sa MVP flagship franchise.

Sa kabilang dako, magkukumahog naman ang Dyip na makopo ang mailap pa ring unang panalo.