NEW YORK (AP) — Naisalba ni Russian tennis star Maria Sharapova ang malamyang simula at 10 double-faults para mailista ang 6-2, 7-5 panalo kontra 51st-ranked Sorana Cirstea ng Romania nitong Biyernes (Sabado sa Manila) sa U.S. Open's second round.
Naghabol ang five-time major champion sa 5-4 matapos mabasag ang service play sa second set. Nanatiling mattatag si Cirstea at nagbanta na mahila ang laro sa third set sa 30-15 bentahe, subalit nagpakatatag si Sharapova.
Sunod na makakaharap ni Sharapova sa third-round si 2017 French Open champion Jelena Ostapenko.
Sinundan naman ni No. 2 Caroline Wozniacki sa gallery si No. 1 Simona Halep matapos ang maagang pagkasibak sa main draw.
Nasilat ang two-time finalist sa Flushing Meadows at reigning Australian Open champion ni 36th-ranked Lesia Tsurenko ng Ukraine, 6-4, 6-2.
Kapwa nasadsad sina Wozniacki at Halep, natalo sa unang araw ng torneo, sa Louis Armstrong Stadium. Sa inayos na stadium din nasilat si two-time major champion Garbine Muguruza.
"Guess Wimbledon used to have a 'Graveyard Court,'" pahayag ni Wozniacki, patungkol sa lumang Court No. 2 ng All England Club, na nagging pamoso dahil sa malalaking upset na naganap.
"Maybe that is going to be the new 'Graveyard Court.' I think it's a little too early to tell."
Samantala, umusad sa fourth round si defending U.S. Open champion Sloane Stephens nang pabagsakin si two-time runner-up Victoria Azarenka 6-3, 6-4, para makausad sa fourth round.
Sunod niyang makakatunggali si No. 15 Elise Mertens.